November 12, 2015

Lyrics

Parang kailan lang
Yakap yakap ka nitong nakaraan
Binubulong mo pang
Sa pag-ibig nato'y walang iwanan

Parang kailan lang
Hawak hawak ko ang iyong kamay
At sabi mo pang kaya nating tong magkasabay
Lumisan kang muli, inakala'y sandali

Magpapasko na at wala ka pa
Nakatingala't tulala sa may lumang bintana
Magpapasko na, ako'y umaasang
Kahit may bagong litrato, lang tayo, muli
Ngayong Pasko.

Parang kailan lang
Araw-araw tayong kumakanta
May dala kang gitara't tinutugtog ang ating musika
Lumisan kang muli, inakala'y sandali

Magpapasko na at wala ka pa
Nakatingala't tulala sa may lumang bintana
Magpapasko na, ako'y umaasang
Makapiling kita't masaya tayong magkasama

Magpapasko, Ako'y umaasang
Kahit may bagong litrato, lang tayo, muli
Ika'y umuwi Ngayong Pasko.

Show moreShow less