November 12, 2015

Lyrics

Kanina pa kita hinahanap
Ngayon bigla kang dumating
Pero ba't ganoon?
Wala ako maramdaman ni katiting
Parang kailan lang
'Di makatulog sa kakaisip sa iyo
Parang kahapon lang
Nang inamin ko sa sarili ko
Na may gusto ako sa'yo
Di ko akalain, na mahahantong 'to sa ganito
Akala ko kasi, ikaw na talaga
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Wala tayong magagawa
Kanina pa kita tinititigan
At ang gwapo mo pa din
Ngunit maari nga bang noon ako'y tulog at ngayo'y nagising
Siguro talaga napapagod din ang pusong magmahal.
Siguro talaga malakas ang tama ko noong una;
ngayo'y wala na talaga
Di ko akalain, na mahahantong 'to sa ganito
Akala ko kasi, ikaw na talaga
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Pero wala tayong magagawa
Bentang benta, masarap kahit mahal
Urong sulong, nagmukha akong hangal
Bagyong pag-ibig, na maraming nabuwal
Tanging inisip ko'y ika'y aking mahal
Di ko akalain, na mahahantong 'to sa ganito
Akala ko kasi, ikaw na talaga
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa

Show moreShow less