April 2, 2016

Lyrics

patintero
sa tapat ng bahay nyo
tayo naglalaro
kung saan
nahahati ang daan
ng mga linyang nagtuturo
na kahit laro
ay mayroon ding hangganan
patintero
sa ilalim ng araw
tayo naglalaro
kung saan
tayo ay sinusundan
nitong aninong magsasabi
na bawat galaw
ay may kahulugan

nais kong mahagip
ng damdamin na bumubulusok
liliparin
nitong natatangi nating pagsuyo
habulin ang matulin
na tibok ng ating puso
at ang maiiwang tanong
nalang ay kung papano

tao po
yayayain sana
kitang maglaro
kahit sandali lang
kung gusto mo
pwede tayong mag-piko
pamato mo ang aking puso
at wag mong aapakan to

kasi kung ika'y aking mahuli
di ko kagad masasabi
kung ano ang una kong gagawin sayo
at kung ika'y maaabutan
hinding-hindi ka bibitawan
kasi kanina pa tayo
naghahabulan
naghahabulan
naghahabulan

halika na
wala nang tao sa kalsada
tayo'y maglaro na muna
kahit sandali lang
magtago ka
ako na muna ang taya
di ako titigil
hangga't di kita nakikita

kasi kung ika'y aking mahuli
di ko kagad masasabi
kung ano ang una kong gagawin sayo
at kung ika'y maaabutan
hinding-hindi ka bibitawan
kasi kanina pa tayo
naghahabulan
naghahabulan
naghahabulan

itong pag-ibig ay larong kalye

Show moreShow less