- Umaapaw

Report copyright infringement
May 17, 2016

Lyrics

Awit, masaya ang mga tenga
Sa aking alaala ito nagsimula
Ilaw ika'y pinakilala
Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda
Antok at pagod tila nag laho
Pagkagising panaginip ang dumalaw
damdamin ko'y umaapaw

Labi, halik na ninanais
Sa dulo ng aking dila, salitang matatamis
Yakap, higpit ng mga braso
Sa 'yong pagkadiin
Ay dumadaloy ang dugo
Halo-halo sa isipan ko
Init, tinig at tamis sa araw-araw
Damdamin ko'y umaapaw

Handang sabihin at ipakita
'Wag pigilin ang pagbugso
Pagkagising panaginip
'Wag pigilin ang damdamin
Puso, hayaang paganahin
Sa muling pagkikita
mayroong dadalhin

Talumpati sa harap ng isang tao
Walang ibang kailangan
Lahat kabisado
Buo ang loob ko sa'yo
Ganito ako kasigurado
Init, tinig at tamis
Awit, Yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa'king uhaw
Pagibig ko'y umaapaw

Show moreShow less