- Pelikula

Report copyright infringement
November 12, 2015

Lyrics

Parang sine, ako'y naglalakbay
Sa istorya, ng aking buhay
At bawat sandali, ay inaabangan ang kwento
At ang bida, ay ikaw at ako
Na nagsumpaan, sa isang puno
Inukit ang puso, at nanaginip na di maglalayo

Ngunit bakit sinabi mo na ako'y
Iiwan mo...

Sandali nga, teka lang
Bakit hindi natin subukan na
Ituloy ang ating nasabing sumpaan

Sinasabi, sinisigaw ng puso at isip ko
Ako'y iyong iyo
Bakit pinabayaang umabot tayo
Sa gan'to...

Sandali nga, teka lang
Bakit hindi natin subukan na
Ituloy ang ating nasabing sumpaan
Sandali lang, teka lang
Bago sabihin at kalimutan ang
Ating kwento
Sa pelikulang aking mundo

Sandali nga, teka lang
Bakit hindi natin subukan na
Ituloy ang ating nasabing sumpaan
Sandali lang, teka lang
Bago sabihin at kalimutan ang
Ating kwento
Sa pelikulang aking mundo

Sa pelikulang aking mundo...

Show moreShow less