- Pagbigyang Muli

Report copyright infringement
April 11, 2016

Lyrics

Muli ay 'yong pagbigyan
ako'y nagkamali
Muli ay 'yong patawarin
ako'y nagsisisi

Alam kong ako'y nangakong di na mauulit pa
ako'y nagkamali sa'yo
muli ay patawarin mo

Ako ba'y 'yong yayakapin?
nakaraa'y kayang limutin?
Magtiwalang muli
mahalin mong muli
magbalik ka sa'kin

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko

Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin
Muli ay 'yong pagbigyan

pag-ibig natin
sabihin mo sa akin
ang 'yong gusto'y susundin
Magtiwalang 'di sinasadyang maging di' tapat sa'yo
Doo'y nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ko ginusto...

Ako pa ba'y kayang yakapin?
Ang init ng halik sa akin, kaya bang ibalik?
Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na...
Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin
Muli ay 'yong pagbigyan
Muling tanggapin Muling mahalin
'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling
Muling mahalin
Ika'y magbalik, magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin...
Pagkat...
Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin
Muling tanggapin...
Muling tanggapin...

Show moreShow less