- Kailangan Kita

Report copyright infringement
January 5, 2016

Lyrics

Di ko alam kung ano ako
Kapag ikaw ay wala sa piling ko
Oh Oh Oh.Kailangan kita
Kailangan ka ng puso ko

Sana di mo lisanin at pabayaan na nag-iisa
Dito sating mundo
Sana ay mawala na ang pangangamba
Sabihin mong mahal mo din ako

At kailan ma'y sakin hinding hindi ka lalayo
Dahil hindi ko kakayanin pag
Ika'y nawala sakin sinta
Ako'y alipin ng pagmamahal mo

Lahat ay gagawin ko para sayo
Oh kamahalan ko kailangan kita
Sa buhay ko, Ikaw ang aking mahal
At nag-iisa ka lamang sa puso ko

Napakahaba man ng daan sa dulo ikaw parin at ako
Sana ay wag kang bumitaw
Sana'y wag mo akong iiwan
O mahal ko

Walang sinuman ang papalit sayo
Sa mga pinaramdam mo sakin
Pag-ibig na wagas, walang makakatumbas
Salamat sayo
Sana ay hindi ka magbago

Dahil ikaw lang ang gusto kung makasama
Sa mga bukas na darating
Ngunit alam kong marami pang haharapin
Ano mang problema'y kakayanin nating dalawa

Basta nandyan ka lahat ay makakaya
Sa lambing at yakap mo
Ang isip ko'y napapayapa
Gumagaan itong nadarama

Dahil sayo kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang aking mahal at nag-iisa ka lamang
Sa puso ko
Napakahaba man ng sa dulo ikaw parin at ako

Sana ay wag kang bumitaw
Sana'y wag mo akong iiwan
Oh mahal ko
Ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon

Ikaw ang umakay sakin nung ako ay nadapa
Ikaw ang nagtulak sakin upang magawa
Ko ang mga bagay na akala ko ay imposible
Ikaw ang inspirasyon sa awiting puno ng dedikasyon

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Biyaya ng langit ang isang katulad mo
Di ko lang masabi sayo ng harapan
Dahin baka pagtawanan mo
Pero ganun pa man totoo lahat ng ito
Kailangan kita sa buhay ko

Ikaw ang aking mahal
At nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng sa dulo ikaw parin at ako
Sana ay wag kang bumitaw
Sana'y wag mo akong iiwan
Oh mahal ko
Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang aking mahal
At nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng sa dulo ikaw parin at ako
Sana ay wag kang bumitaw
Sana'y wag mo akong iiwan
Oh mahal ko

Show moreShow less