April 10, 2016

Lyrics

Kahapon lamang
Kay ginhawa ng buong mundo
Lahat ng bagay
Kay gaang pa ring tumatakbo
At kung ligaya'y kulang man
Sa kapipilit ko'y naghuhusto
Tamang-tama lang ang buhay ko

Kahapon lang
Kahapon ko'y nagbago ng lahat
Umaga't hapon
Ang loob ay aandap-andap
Nagbubuhol ang isip ko
Sa hirap ko'y kailang maaangat?
May pag-asa bang matatanggap?

Anong nangyari?
Napa-ibig lamang ako
Tahimik kong mundo'y
Biglang nasangkot sa buhay mo

Kanina lang naisip ko
Marahil buti pa
Ang buhay ko ay nabayaan nang nag-iisa
Kaya lang minsang iwan mo
Tiyak na isip ko'y mag-iiba
Dahil ibig kong ibigin ka

(Anong nangyari)
(Napa-ibig lamang ako)
Tahimik kong mundo'y
Biglang nasangkot sa buhay mo...

Kanina lang naisip ko
Marahil buti pa
Ang buhay ko ay nabayaan nang nag-iisa
Kaya lang minsang iwan mo
Tiyak na isip ko'y mag-iiba...

Dahil ibig kong
Ibigin ka...

Show moreShow less