- Pagbalik

Report copyright infringement
November 12, 2015

Lyrics

Sa paglipas ng dilim
Dama parin ang lamig ng gabi
Baks sa'king isipan
Alaala mo'y aking daing

Ikubli man ang aking damdamin
Sa pagluha parin umaamin
Ng pagmamahal, ng pag-aasam

*Maghihintay na lamang sa'yong pagdating
Sa bawat pintig ng puso'y batid
Hinihiling sa langit ang 'yong pagbalik
Dalangin ko'y mahagkan nang muli.

Bulong ng hangin
Tila lumbay ang hatid
Anino ng langit
Ipinagkakait ang liwanag na nais.

Repeat

Show moreShow less