Lyrics

Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
umaawit ng theme song na sabay kinabisa kay sarap namang mabalikan ang alaala

ikaw ang kasama buhat noon ikaw ang pangarap hanggang ngayon+

Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
ako yung prinsesang sagip mo palagi

ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin
ng

dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin ng…

Datirati ay palaging sabay na mag syesta at sabay rin gigising alas kwatro y medya

sabay manunuod ng paboritong programa o kay tamis naman mabalikan ang alaala
di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari ako yung prinsesang sagip mo palagi

ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Quest datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan gamit-gamit ang mantel na itinali
sa kawayan at pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan pero singtamis ng kendi pag
nagkakasal-kasalan diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina minsan ay tambalang
Mylene at Bojo Molina ang sarap sigurong balikan ng mga alaala lalo na't kung magkayap
mga bata't magkasama at
parang Julio at Julia lagi tayong magkasama sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah
una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga sana mabalik pa natin ating pagsasama
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
ako yung prinsesang sagip mo palagi
ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
ang aking pagtingin, oh ibulong nalang sa hangin
pangarap na lang din (pangarap na lang din) na gaya pa rin ng .
dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin
dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin ng.
ng dati

Show moreShow less