November 12, 2015

Lyrics

Ang hari ng metal ay hindi nagsusuklay
Sya'y hindi naliligo at hindi nagsisipilyo
Ang hari ng metal ay hindi naglalaba
Sya'y hindi nagwawalis, hindi gumagamit ng pinggan

Lahat binabangga, lahat sinisira
Lahat winawasak
Walang sinasanto, walang sinusunod
Walang kasingsama
Ang hari ng metal

Ang hari ng metal ay hindi inaantok
Sya'y hindi nagugutom at hindi umaaray
Ang hari ng metal ay tumitira ng kidlat ang mata
Sya ay sumisinghot ng asido, bumubuga ng bato

Ngunit sya'y umiiyak, sya'y lumuluha ng dugo
Dahil sya'y walang kaibigan kung hindi si Batman
Hindi ang reyna
Kaya mag-ingat ka, magtago ka na
Baka mahuli ka ng hari ng metal

Show moreShow less