- Mahal Ko Kayo

Report copyright infringement
November 12, 2015

Lyrics

Humihingi, naghahanap
Kumakatok Sa'yo
O dinggin Mo, Paginoon
Pagsamo ko Sa'yo
Pagkat tanging Ikaw
Nakaka-alam
Kami na Iyong lalang
Pangako Mo ay kailangan
(Dinggin mo ang sabi ng Diyos)

Totoo ang Aking sinabi
Lahat ng pangako Ko
Hindi Ko kayo iiwan
Hanggang sa wakas ng mundo
Hindi Ako magbabago
Ako'y laging tapat sa inyo
Mula noon, hanggang ngayon
Magpakailan pa man

Naghihintay, umaasam
Sa katugunan Mo
Lingapin Mo kami ngayon
Daing namin Sa'yo
Pagka't tanging Ikaw, makakagawa
Mga kamangha-mangha at pagbabago
Sa aming buhay
(Dinggin mo ang sabi ng Diyos)
(Repeat)

Hindi ko nais ang mapahamak ka
Hindi ko nais ang maghirap ka
Dakila ang pag-ibig inialay Ko
Sa'yo, sa'yo
(Repeat 2x)

Show moreShow less