- Diwata

Report copyright infringement
November 12, 2015

Lyrics

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata (Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata (Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala (Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata
Naaalala ko pa nung una kang masilayan, nanghihinayang
Gustung-gusto kita kausapin
Makilala, subalit may kaba
Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat nga ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delikadesa
Kesa sa ganon baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang ibat-ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid eh pasimple na ngumingiti

Sana kako tamaan
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata
Hanggang sa nagkakilala muli
At unti-unti kang nakikilala, munti
Pang tumitiklop na parang makahiya ah
Naglakas loob ah, dyan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pang MRT
Pero dibat sa pag-ibig mas kabit pag less than three
Anong sagot, pede mo kong tanungin
May tanong ako sayo, pede mo kong sagutin
Sana oo na lang din
Susubukang abutin
Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin
Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin ah
Ikaw ang aking laging nais na makapiling
Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas
Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

Nung nakita ko sya, di makapaniwala
Sa taglay nyang ganda, tinamaan din ako
Teka bakit ganito, bat napaparap ako
Di ba sabi ko sayo, wag mo na akong isama

Para kong nasilaw sa kasama mong diwata
Ngayon alam ko na bat nasisiraan ka nang ulo
Napapakanta ka na lang na parang ganito
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo woah
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso woah

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Show moreShow less