November 12, 2015

Lyrics

Napatunganga nung bigla kitang nakita
pagkalipas ng mahabang panahon.

highschool pa tayo nung una kang nakilala
at tandang tanda ko pa
noon pa may sobrang lupit mo na!
Di ko lang alam kung pano
basta biglang nagsama tayo.
di nagtagal ay napa-ibig mo ako.

Mula umaga, hanggang uwian natin
laging magkasama tayong dalawa
parang kahapon lang nangyari sakin ang lahat
tila isang dulang medyo romantiko ang banat!
Ngunit nang mapag-usapan
bigla na lang nagkahiyaan
mula noon hindi na tayo nagpansinan!

At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng di inaasahan.
parang nasayang lang
nawala na, wala nang nagawa

panay ang plano, ngunit panay ang urong.
at inabot na ng dulo ng taon!
graduation natin nung biglang nag-absent partner ko.
tadhana nga naman!
naging magpartner tayo!
Eksakto na ang timing!
Planado na ang sasabihin!
Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi!

At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng di inaasahan.
parang nasayang lang
nawala na, wala nang nagawa

Napatunganga nung bigla kitang nakita
pagkalipas ng mahabang panahon.
Sobrang alam ko na ang aking sasabihihin
at ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sakin!
at nang ikaw ay nilapitan
bigla na lang napaligiran ng yong mga anak
mula sa pangit mong asawa!

At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng di inaasahan.
parang nasayang lang
nawala na, wala nang nagawa
At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng di inaasahan.
parang nasayang lang
nawala na, wala nang nagawa

Show moreShow less