- Kasalanan

Report copyright infringement
February 26, 2016

Lyrics

Ang panahong sinayang ko
Pasakit na dinanas mo
Noo'y di ko nakita
Ang yong pagdurusa

Di kaya ng alaalang
Buhayin ang pagnanasa
Ngunit sabihin mo sa akin kung panong
Pupunuan ang pagkukulang ko ohhh

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko

Sa pangarap na sinira ko
Kulang na pambayad ang buhay ko
Ang isip ko'y liyo
Sumuko sa tukso
At kamunduhan

Ako'y naging isang hangal
Isinuko mo ang yong dangal
O ngunit paano pa
Mababawi pa
Ang nagawa kong mga pagkakasala
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko

Show moreShow less