- Ikaw

Report copyright infringement
April 12, 2016Fixed by Gay Dugang and 4 more

Lyrics

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong
Kung nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

At hindi pa'ko umibig ng gan'to
At nasa isip makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Pag-ibig ko'y ikaw...

Show moreShow less